Pinangunahan ng mga guro sa Filipino ng Southern Christian College ang birtuwal na paglulunsad ng Buwan ng Wika para sa taong ito. Ang tema ng pagdiriwang ngayong 2020 ay “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya.”

         Ang Buwan ng Wika 2020 ay nakatuon sa konsepto ng “Bayanihan” sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino at mga katutubong wika. Layunin ng pagdiriwang na maibahagi sa pamamagitan ng social media na mahalaga ang wikang Filipino at katutubong wika sa pagbibigay impormasyon upang mas madaling maunawaan ng sambayanan ang mga nangyayari na dulot ng kasalukuyang pandemya – COVID19.

         Nagkaisa ang mga guro sa Filipino mula elementarya hanggang kolehiyo upang ilunsad ang pagdiriwang para sa mga mag-aaral ng SCC at sa lahat ng Pilipinong nasa kani-kanilang mga tahanan. Isa rin itong hakbang upang
imukin ang henerasyon ng kabataan na huwag kaligtaan ang wikang Filipino at katutubong wika.

         Mapapanood ang birtuwal na palatuntunan sa https://www.facebook.com/southernchristiancollege/videos/938897769917642/?t=16
Maaaring i-Like at i-Follow ang opisyal na page ng SCC sa Facebook.